Surigao Islands Minded Heart
Welcome, Guest
Username: Password: Remember me
General Discussions

TOPIC: GOD ANSWERS ALL OUR PRAYERS

GOD ANSWERS ALL OUR PRAYERS 1 year 10 months ago #278

  • phlyn
  • phlyn's Avatar
GOD ANSWERS ALL OUR PRAYERS

"Kung totoo talaga itong statement na ito, bakit ang tagal-tagal ko na nagpra-pray, pero wala pa rin nangyayari?"

Let me ask you a this.

Kapag ba nag-request ng bagong laruan o gadget si Junior, nag "YE-YES" ka ba agad?

Kapag ba nag-request ng new car si mister, nag "YE-YES" ka ba agad?

Kapag ba nag-request ang officemate mo na gumawa ka ng extra work for her/him na out of your scope, nag "YE-YES" ka ba agad?

We have to remember that “yes” is not the only answer, that there is ANOTHER answer from God. Gaya lang din ng sagot natin sa mga hiling ng anak, asawa, kapatid, magulang, kaibigan o katrabaho natin, hindi parati YES ang sagot ni God.

God does answer all our prayers, pero it may not be the answer you are expecting to get.

Pwedeng…

“YES, BUT NOT NOW!”
Pinagpra-pray mo na dumating na yung promotion mo; yung malaking kontrata mo; yung kikitahin mo. Pero, until now, wala pa rin nangyayari.
Naiinis at naiinip ka na. Eksakto! Kaya nga hindi pa sinasagot ni Lord, dahil hindi pa tayo handa.

Maybe He wants to teach you about being MORE PATIENT. Minsan kasi NAIINIP at NAGMAMADALI tayo na makuha natin ang ibang bagay, lalo na kung sa tingin natin ay kaya na natin gawan ng paraan sa sarili nating effort.

Maaring hindi pa tama yung timing. May inaayos pa sa atin si Lord at yun ay kung talagang handa ka na, kaya huwag kang mag-alala. Hindi ipagkakait ni Lord ang isang bagay na ikakabuti naman natin.

And if you're in this kind of situation, God is just telling you to "wait."

Another answer can be...

“NO, IT WILL NOT BE GOOD FOR YOU!”

Ipinagdarasal mo na kumita ng malaki, kaya’t naisipan mong mag-expand ng iyong business but this will require you to invest more time sa business.

MABABAWASAN ANG QUALITY TIME mo sa iyong pamilya, at pa minsan-minsan kailangan mong mag-biyahe sa ibang bansa. Pero alam mo naman na mas importante sa asawa at mga anak mo ang QUALITY TIME kaysa sa HIGHER INCOME.

Kaya kahit anong pilit at diskarte mo, ito ay di matuloy-tuloy

Dahil mas alam ni God what will TRULY benefit us, at this point He will say "NO", lalo na kung ito ay makakasama sa atin in the long run.

And finally, the long awaited answer na..

YES!

Meron din naman talaga na tipong in the middle of our prayer, sasalubungin ka na ng napakalinaw na "YES" ni God.

And when God answers, He really adds no trouble to it. Alam Niya na READY ka na tanggapin ang Kanyang sagot kaya masaya Niyang ibibigay ito sa'yo.

He is never too early and never too late. Ang bawat "yes" Niya ay laging PERFECT ang timing.

THINK. REFLECT. APPLY.

Ano ang pinagpra-pray mo ngayon?
What is God’s answer?
Nauunawaan mo na ba bakit yun ang sagot ni God?

- Chinkee Tan
The administrator has disabled public write access.
Time to create page: 0.166 seconds

BUY & SELL

Surigao Room For Rent Studio Type
(REAL ESTATE / Real Estate For Rent )

Surigao Room For Rent Studio Type

4 Bedroom House & Lot in Surigao City For Sale
(REAL ESTATE / Real Estate For Sale)

4 Bedroom House & Lot in Surigao City For Sale

Condo For Sale in Global City Taguig
(REAL ESTATE / Apartment and Condominium)

Condo For Sale in Global City Taguig

House For Sale or Rent to Own Surigao
( / REAL ESTATE)

House For Sale or Rent to Own Surigao

Recommended Surigao Wedding Planer
(SERVICES / Events, Planning, Arts and Entertainment)

Recommended Surigao Wedding Planer

Website Designs and Graphic Design Services
( / SERVICES)

Website Designs and Graphic Design Services

    HOT TOURS

    OUR CULTURE

    • VTEM skitter

      Mabuyok Festival

      VTEM skitter

      Bonok-Bonok Festival

      VTEM skitter

      Lubi Lubi Festival

    • VTEM skitter

      Bonok-Bonok Festival