Surigao Islands Minded Heart

FUN THINGS TO DO IN SURIGAO

Isnilon Hapilon at Omar Maute Killed in Marawi

 Isnilon Hapilon at Omar Maute Killed in Marawi


Scout Rangers 8SRC

Mula kay “Destroyer,” ang commander ng 8th Scout Ranger Company na nakatama kina Isnilon Hapilon at Omar Maute, ito ang mga huling oras ng dalawang notorious na terorista: Alam ng Scout Rangers at ibang units na sumusuporta sa kanila na cordon na nila ang isang grupo ng terorista pero di nila alam na sina Hapilon ito. Alas siyete ng gabi, nag deploy ng 1 team ng Scout Rangers sa dulo ng kalsada, sa may likod ng block. Kasama nila ang isang armored vehicle na may thermal capability. Isa pang team nag deploy naman sa kabilang dulo ng kalsada na pwede rin nila takasan at ganun din, may armored vehicle din. Alam nila na mag attempt tatakas ang mga terorista kaya nag abang ng nag abang ang mga Rangers. Hanggang 1:30 ng madaling araw, may tumawid. E alerto ang Ranger, boom kunana. Tumba ang isang terorista. Di nila alam, si Omar Maute na pala yun. E may pasilip silip pa din, akmang tatawid. Boom kunana, galing naman sa secondary weapon ng armored vehicle. Tumba din. Di rin alam ng Rangers na yun na pala si Isnilon Hapilon. Madaling araw, inattempt ng mga kasama ng dalawang terorista na i recover ang mga katawan ng dalawang tumba na kasama nila. E nilamayan ng Rangers. Kada may lumapit, pitikan. Pagliwanag, mabilisan na plano, para kunin ang dalawang bangkay na naitumba nila. Sa isang napaka daring na move, na pang action movie mo lang makita, pinasok ng mga Rangers kasama ang armored vehicles at mabilis na nakuha ang dalawang bangkay. Maya maya, naglalabasan na mga babaeng hostages. Tinakbo nila at sinabi: “sir, sina Isnilon Hapilon at Omar Maute ang mga napatay niyo.” Hiyawan, sigawan lahat ng tropa! Di nila akalain na natumba na pala nila ang dalawang leader ng mga terorista. Diyan natapos ang kasamaan ni Hapilon at Maute. (Special request ni “Destroyer” na itong picture ng “Destroyer” building ang ilagay sa kuwento na ito. Very memorable sa 8SRC ito dahil nakuha nila nung July pa ito at a very heavy cost — halos nahati ang kumpanya nila sa dami ng wounded at namatayan pa sila. At siyempre, team effort ang pagkakuha kina Hapilon. Special recognition sa mga units na kasama ng 8SRC na nag cordon sa block na ikinamatayan nina Hapilon.)

 

source : https://web.facebook.com/scoutrangerbooks

Last modified onMonday, 16 October 2017 16:03
  • Rate this item
    (0 votes)
  • Published in News
  • Read 805 times

Leave a comment

Login to post comments
back to top

    HOT TOURS

    OUR CULTURE

    • VTEM skitter

      Mabuyok Festival

      VTEM skitter

      Bonok-Bonok Festival

      VTEM skitter

      Lubi Lubi Festival

    • VTEM skitter

      Bonok-Bonok Festival

    LATEST FORUM

    • No posts to display.

    BUY & SELL

    Surigao Cake and Coffee Company
    (SERVICES / Food and Related Products)

    Surigao Cake and Coffee Company
    10-08-2015

    For Sale Samsung Automatic Washing Machine
    (APPLIANCES / Washing Machines and Dryers )

    For Sale Samsung Automatic Washing Machine
    07-22-2016